Lyrics
sisikat nang muli ang ating araw
sa nayong may himig ng hanging hinipan ng Banal
tulad ng awit na pumipiglas sa kahon ng kundiman
madalas ay reklamo lang ang bukambibig
at di makita ang sakit na iyong pasan
mas matalas ang dila kung mayroong galaw ng bisig
paliparin ang malayang isip
dinggin mo ang tawag ng lupang pinagmumulan
ng kayamanang di mo rin pala natitikman
kelan malilinis ang bahid ng dumi
hindi malaman, pero pag-asa ay inaasam
isa na namang awit na tutuhog sa marrupok na pusong lanta
lanta sa diwa at pag-asa ng umaga
bukas-loob silipin ang sarili
balat, mukha, mata dinggin ang huni
pagkatapos ng ilang taon
unti-unting aahon
ang lipi ng lupa na napako sa kahapon
walang pamagat alay kong alamat
di makakahon damdaming naisulat
di mo ba narrinig ang tinig ng lahat?
sabay sabay lumiliyab, sisikat nang muli